Inuumpisahan ko na yung blog, di ko pa alam ang title. nahihirapan din akong magtype sa bagong laptop, sanay ako sa normal na keyboard. naiiyak ako ngayon, di ko alam sa kung anong dahilan. March 16, isang buwan na simula ng bumalik sia sa bansa nila. 3 araw bago isang buong 3 bwan na akong nandito sa cebu. 3 buwan....parang 3 taon.
Masyadong maraming nangyari. yung theme song ng buhay ko ngayon, parang Over You na ni Chris Daughtry, pero ilang araw lang ang nakakaraan, Realize pa lang to ni Colby Caillat. Lips of an Angel kaya ang kanta nya ngayon?
Sa loob din ng 3 araw, napuno ko na ng gamit ang apartment ko. TV, DVD Player, speakers....dumating na rin ang box ko galing ng maynila para makumpleto na ang mumunting abubot ng buhay ko para dito sa cebu.
Nung wala ang lahat ng ito, lahat ng mga gamit na to, merong isang bagay na kumumpleto ng buhay ko. Nabuhay ka na ba na 2 pants, 5 blouse, 5 panty, 2 bra at isang swimsuit lang ang meron ka sa loob ng 3 linggo? Nung mga panahon na yon, sapat na yon, kasi may isang bagay na kumukumpleto sayo. Hindi mo akalain na pagkatapos ng ilang araw ay kailangan mong gumastos ng mahigit sampung libo para mapalitan ang nagiisang bagay na nawala.
Nawala.....bakit "nawala"? Iyo nga ba in the first place? Sabi nya oo, pero matapos ang 2 linggo, hindi daw pala. Ang labo! Gusto mo mapamura, sarap hamunin ng suntukan!
Wala pakong 3 buwan sa Cebu. Parang 3 taon na ko nakatigil dito. Pagod na pagod ako. Ayoko na agad. Ibang iba sa mga plano ko ang kinalabasan ang istorya ko sa Cebu. Trabaho at bagong lugar lang ang habol ko...wala akong hiniling o binalak na may magbabago pa sa estado ng buhay ko. 29 years old, pag wala pang asawa, anak na lang. May kausap na nga ako. Di ko na kailangan ang asawa, sakit lang sa ulo. Anak ko na lang, maganda kasi pipiliin ko ang magiging tatay.
Masaya naman ako e, bakit kailangan pang magulo kasi lang may isang bagay kang nakuha para sang saglit.
Sunday, March 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment